Sabado, Nobyembre 5, 2016

Same sex marriage

           Alam niyo ba ang ibig sabihin ng same sex marriage? Ang mga mabubuti at masasamang maidudulot nito sa komunidad? Tama bang ikasal ang dalawang taong nagmamahalan ngunit magkapareho ang kasarian?
            Ang same sex marriage ay ang kasalan ng magkaparehongkasarian o ang pagpapakilanlang sekswal. Kadalasan din itong tinatawag na pantay na kasalan ang legal na pagkilala sa homosekswal na kasalan ng mga sumusuporta dito. Maraming magagandang epekto ang same sex marriage sa isang lipunan. Una sa lahat, nakatutulong ito sa paglago ng ekonomiya at pagdami ng oportunidad sa negosyo. Ang pagiging legal ng same sex marriage sa ibang bansa ay matagal ng nakakakitaan ng mabilis na paglago ng ekonomiya. Ang pagpaplano ng kasal ay isa sa pinakamagandang negosyong pwedeng makuha mula rito. Ang mga maliliit na establisyimento na nag-aasikaso ng kasal at kung anu-ano pang mga bagay na nakaakibat dito ay maaaring madoble ang mga suki. Ayon sa isang report, ang New York ay nagkaroon 260 milyong dolyar na paglago ng ekonomiya matapos maisabatas ang same sex marriage. Pangalawa, sinusuportahan nito ang tunay na kalayaan sa kanyang relihiyon. Ang kalayaan sa relihiyon ng isang indibidwal ay nakatutulong upang kanyang maipagpatuloy ang kanyang pananampalataya na walang humahadlang na gobyerno o simbahan. Ang pantay na pagtrato sa kasarian ng bawat indibidwal ito man ay lalaki, babae, bakla o tomboy sa aspeto ng ating pananampalataya at batas.  Pangatlo at higit sa lahat, pinapatibay nito ang reputasyon ng isang indibidwal sa sarili man niyang bayan o maging saan man sa buong mundo. Ang pagsasabatas ng same sex marriage ay makakatulong upang mawala ang kanilang mga pangamba.

            Ang same sex marriage ay nagpapakita ng pagiging malaya sa pagpili ng mamahalin ngunit masama rin ito sapagkat lumalabag ito sa batas ng Diyos. Kahit magkapareho sila ng kasarian, may karapatan pa rin sila bilang mga mamamayan. Ipinagbabawal man ito sa ating lipunang ginagalawan, dapat ay pantay pa rin ang pagtingin sa kanila dahil sila ay mga tao ding tulad natin.